Tagalog news: MOVE San Jose, sumailalim sa pagsasanay laban sa VAWC

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Abril 20 (PIA)—Sumailalim sa pagsasanay kamakailan ang ilang piling miyembro ng Men Oppose to Violence Everywhere o MOVE San Jose sa Sikatuna Beach Resort ng bayang ito.

Ang naturang pagsasanay ay may layuning maipaabot hanggang sa mga sulok ng barangay ang mga mahahalagang impormasyon laban sa karahasan sa mga bata at kababaihan na nakapaloob sa Repbulic Act 9262 o ang ‘Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Act of 2004’. Pinangunahan ito ng Plan International (PLAN) at naging katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Magsaysay at Philippine National Police (PNP).

Ayon kay, Jenelyn Rey, PLAN Area Supervisor ng bayan ng San Jose at Magsaysay, malaki ang tulong ng mga kasapi ng MOVE sa pagdadala ng impormasyon sa kanikanilang kumunidad. Maari nila itong maibahagi sa isang kwentuhan o kaya naman ay pormal na mag-organisa ng mga pulong upang maipaliwanag ang pagpapahalaga sa mga bata at kababaihan.

Maituturo din ang tamang aksyon sakaling may makita o mapag-alamang nangyaring karahasan sa mga ito (bata at kababaihan). “Ang VAWC ay public crime kung kaya’t kahit sino ay maaring mag-report nito,” sabi ni Bb. Rey.

Ipinaliwanag din ni Rey na hindi lahat ay maaaring makialam sa sitwasyon na may kaugnayan sa VAWC, tanging ang mga ahensya ng pamahalaan na may mandato ukol dito ang may kapangyarihang mamagitan gaya ng MSWDO at PNP.

Ang sinumang may kaukulang impormasyon sa VAWC, at may kalayuan ang kanilang lugar sa mga otoridad, ay maaaring mag-ulat sa Barangay Council for Protection of Children o kaya naman ay sa Barangay VAWC desk. Ang mga opisyales nito ang magdadala ng kaso sa MSWDO at PNP. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s