Calapan City, host ng 25th PH Biodiversity Symposium

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Abril 19 (PIA) – Isinagawa kamakailan ang 25th Philippine Biodiversity Symposium sa Calapan City sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng lungsod, ng Biodiversity Conservation Society of the Philippines (BCSP) at ng Mindoro Biodiversity Conservation Foundation Incorporated (MBCFI).

Dinaluhan ang naturang kaganapan ng mga lokal at international researchers at practitioners, biologists at conservationists, mga kinatawan mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), academe, mga ahensya ng pamahalaan, at mga estudyante mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa kanyang pambungad na pananalita, sinabi ni Mayor Arnan C. Panaligan ang kahalagahan ng Mount Halcon bilang natatanging tahanan ng napakaraming flora at fauna na matatagpuan sa lalawigan. Binanggit din ng alkalde ang ilan sa mga lahi ng ibong nanganganib nang mawala o maubos kapag hindi naagapan ang pagkasira ng natural habitat ng mga ito.

Binigyang-diin din ni Panaligan ang mayamang karagatan ng Mindoro, at ang Verde Island Passage bilang Centre of the Centre of Biodiversity. Dito’y pinasalamatan niya nang lubos ang BCSP sa aktibong pangunguna nito sa mga programang pang-biodiversity, gayundin ang lumalawak na kamalayan ng publiko sa pag-iingat sa kalikasan, sabay ng panawagan para sa ibayong preserbasyon nito sa buong Mindoro.

Sa mensaheng binigay ni Facundo Roco, chairman ng MBCFI Board of Trustees, pinaalam nito na base sa satellite images, 57 porsyento na ng kagubatan sa Pilipinas ang nawala sa loob ng nakaraang pitong taon, o 36,000 ektarya ang nauubos sa loob ng isang taon. Dahil dito, lubhang nakaka-alarma aniya ang pagkasira ng mga kagubatan, hindi lamang sa lalawigan ng Mindoro.

Samantala, panawagan naman ni Antonio Manila, assistant director ng Biodiversity Management Bureau ng DENR ang isang matibay na suporta sa pag-aalaga sa mga life-nurturing areas hindi lamang sa Mindoro kundi sa buong bansa lalo na’t mayroon ngayong bagong-tuklas na 270 endemic species na naka-depende sa sigla at yaman ng kani-kanilang mga tirahan.

Sa isang press conference na nauna nang ginanap bago ang pangunahing programa, ipinarating ng mga kinatawan ng media ang ilang isyung may kaugnayan sa kalikasan at sa tinatalakay na biodiversity lalo na ang mga geothermal at mining projects na lubhang nakakasalanta hindi lamang sa kalikasan kundi sa kabuhayan at buhay ng mga naaapektohang mga mamamayan.

Layunin ng symposium na ipaalam sa mga dumalong konsernadong ahensyang pampubliko at pribado ang estado ng biodiversity at makagawa ng tamang hakbang kung paano mapapangalagaan ang kalikasan. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s