Tagalog news: 100% ng mga brgy sa San Jose, nagsagawa ng barangay assembly

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Abr 14 (PIA)—Naisakatuparan ang pag-oorganisa ng barangay assembly ang lahat ng 38 barangay ng bayan ng San Jose, ayon kay Memviluz Baurile Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) ng bayan ng San Jose.

Ito ay bilang pagtupad sa panawagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maisagawa ang nasabing pagtitipon upang bigyang daan ang pulong sa sitwasyon, mga proyekto at programa ng bawat isang barangay.

Ayon kay Baurile, ang pagsasagawa ng barangay assembly ay isa ring pamamaraan upang maiparating ng mga tao ang kanilang mga opinyon o saloobin hinggil sa nakikita nilang kalagayan ng kanilang barangay. Maaring kapalooban ito ng usapin sa droga o kaya naman ay ang kahandaan ng barangay sa sakuna na posibleng tumama sa kanilang lugar.

Gayundin, ang naturang pulong ay isang paraan ng pagpapabot ng mga opisyales ng barangay ng kanilang mga nagawa sa loob ng kanilang termino. Pinagusapan din dito ang mga proyektong popondohan ng Barangay Bottom-UP Budgetting (BBuB).

Paliwanag pa ni Baurile, ang mga napagpulungang suhestyon ay maaring ikunsidera ng barangay para sa taunang plano ng kanilang isusumite sa Barangay Development Plan.

Bago pa man naisagawa ang barangay assembly ay nagpalabas ng ng imbitasyon ang DILG na nagaanyaya sa lahat ng residente ng barangay na dumalo sa naturang pagtitipon. (VND/PIA 4B/ Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s