Tagalog news: Romblon Water District, nagpaalala sa pagtitipid ng tubig ngayong tag-init

ROMBLON, Romblon, Abr 8 (PIA) — Ipinaiiral na ng Romblon Water District (RWD) ang schedule ng pagpapadaloy ng tubig sa mga kabahayan sa bayan ng Romblon bunsod ng pagkonti ng laman ng pinagkukunang reservoir o imbakan.

Tuwing umaga at hapon na lamang makakapag-ipon ng tubig ang mga consumers nito kaya nakikiusap ang pamunuan ng RWD na magtipid sa paggamit ng tubig dahil sa El Niño na nararanasan ng bansa.

Kaugnay nito, muling nagpaalaala sa publiko ang pamunuan ng RWD na magtipid sa paggamit ng tubig lalo na ngayong panahon ng tag-init.

Ayon kay RWD Manager Edna P. Martos, na patuloy sa pagbaba ang lebel ng tubig sa Ambulong reservoir at pagkonti ng daloy ng tubig sa kanilang mga pinagkukunang water pumping station.

Lumalaki rin aniya ang demand sa paggamit ng tubig tuwing summer dahil sa sobrang init ng panahon kaya malaki ang maitutulong ng publiko kung ang lahat ay makikiisa sa pagtitipid o paglimita sa paggamit ng tubig. Sana rin daw ay uugaliing magtipid ng tubig ng mga mamamayan hindi lamang tuwing tag-araw kundi sa buong taon.

Matatandaan na una nang sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na iiral ang katamtaman hanggang malakas na El Niño sa huling quarter ng 2015 hanggang sa unang bahagi ng 2016.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s