Tagalog News: Closing ceremony ng Coast Guard K9 Courses, ginanap sa Romblon

ROMBLON, Romblon, Abr 8 (PIA) — Matagumpay na ginanap noong Abril 5 ang joint closing ceremony and convening ceremony na ginanap sa bayan ng Romblon para sa mga sumailalim sa Coast Guard K9 Narcotics Detection Dog and Handler Specialization Course.

Panauhing pandangal sa naturang pagtatapos si Rear Admiral William M. Melad, Commandant, Philippine Coast Guard.

Lima ang nagtapos sa CGK9 Evaluator Package Course Class 01-16, labing-isa ang grumadweyt sa CGK9 Instructor Package Course Class 01-16 at tatlumpo’t apat naman ang nagtapos sa CGK9 Dog and Handler Basic Course Class 03-15.

Samantala, 34 katao naman ang na-convene para sa CGK9 Narcotics Detection Dog and Handler Specialization Course Class 04-16.

Ang mga nagsipagtapos sa pagsasanay ay tutulong sa paghahatid ng serbisyo sa mga pangunahing pantalan sa buong bansa at makakatuwang ng mga ito ang kani-kanilang sinanay na aso sa pagsagip ng buhay.

Sinaksihan din ang pagtatapos nina Commodore Rolando D. Legaspi, Commander ng Coast Guard District Southern Tagalog, Course Director Lt. Bernard L. Vergara, Capt. Nelson B. Torre, Commander ng CGK9 Group; SFO4 Rizal M. Mindoro, OIC-Provincial Fire Marshall, kinatawan ng gobernador at PNP Provincial Director.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s