Tagalog news: Secondary exits dapat walang balakid, ayon sa BFP San Jose

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Apr 7 (PIA) ā€“ Libre at walang balakid sa mga secondary exits, ito ang isa sa mainit na ikinampanya ng Bureau of Fire Protection (BFP) San Jose nang magsagawa ang mga ito ng inspeksyon sa mga establisyemento sa bayan ng San Jose kamakailan, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month noong nakaraang buwan.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Station Administrator Senior Fire Officer 1 Edgardo Salvacion, kinakailangang walang harang o anumang balakid ang mga secondary exits upang maging mabilis ang paglabas ng mga nakatira dito sakaling magkaroon ng sunog. Dapat din aniya na merong emergency lights, fire extinguisher at direction guide patungo sa secondary exits upang hindi maligaw ang mga tutungo dito.

Bukod sa inspeksyon ay nagsagawa rin ng pagbisita ang kawani ng BFP San Jose sa mga fire prone barangays . Ang mga ito ay ang Barangay Caminawit, Pagasa, Poblacion 5, 4,2, San Roque at Bubog. Namahagi ang mga kawani ng BFP ng mga flyers at nagturo sa mga residente ng mga paksang nakapaloob sa Fire Safety Awareness program.

Samantala, dumating na rin sa lalawigan ang dalawang state of the art firetruck na ayon kay Salvacion ay nagkakahalaga ng P5.8 milyon bawat isa at mula sa inisyatiba ni Congressman Josephine Sato at ng Department of the Interior and Local Government. (VND/PIA 4B/ Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s