Tagalog news: Problema sa kuryente sa Occ Min, may solusyon na

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Abr 7 (PIA) – May solusyun na ang paulit-ulit na nararanasang sectionalized brownouts ng ilang mga bayan sa lalawigan matapos maisaayos ng National Power Corporation (NPC) ang transmission line ng Abra de Ilog at Puerto Galera kamakailan

Ayon sa NPC, sa pamamagitan ng naayos na linya ay maari ng makapagbigay ang Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMCO) ng kinakailangang enerhiya ng lalawigan.

Sinabi ni Engineer Rogelio So ng NPC, tumaas ang pangangailangan sa enerhiya ng mga bayan sa SAMARICA (San Jose, Magsaysay, Rizal at Calinataan) at Sablayan pagpasok ng tag-araw. Mula sa dating 12.5 Megawatt (MW) ay tumaas ito sa 13.5 MW. Ang kakulangang 1.5MW ang sanhi ng sectionalized brownouts.

Dagdag pa ni So, sa kasalukuyan ay patuloy ang mga pangunahing paghahanda ng Occidental Mindoro Electric Cooperative (OMECO) upang maisaayos ng NPC ang linya ng Sablayan. Mula sa kasalukuyang koneksyon nito sa SAMARICA area, magsasagawa ito ng isa pang linya, kung saan ORMECO naman ang magbibigay ng 3.0 MW na suplay ng kuryente dito.

Ayon pa sa NPC, nakalinya na rin ang posibleng pagrenta ng karagdagang 2.5 MW sa bayan ng San Jose, bilang reserba sa mga pagkakataong hindi makakapagbigay ng suplay ang ORMECO sa Sablayan. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s