Tagalog news: 100 kabataan sa bayan ng Romblon, mabibigyan ng trabaho ngayong summer

ROMBLON, Romblon, Abr 5 (PIA) — Isandaang kabataan sa Romblon, Romblon ang mabibigyan ng trabaho ngayong summer ng pamahalaang lokal sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES) na taunang isinasagawa sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Rizal Van Mayor, Municipal Manager ng Public Employment Service Office (PESO), layunin ng SPES na tulungan ang mga nangangailangan at karapat-dapat na mga kabataan na matustusan ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng dagdag kita tuwing bakasyon.

Ang mga estudyanteng mabiyayaan ng SPES ay dapat may edad 15-25 anyos, pasado sa lahat ng grades at mula sa mga maralitang pamilya na bibigyan ng sertipikasyon mula sa Barangay Chairman.

Ang mga benepisyaryo ng SPES ay tatanggap ng suweldo kung saan 60 porsyento ay magmumula sa tanggapang kanilang pinaglilingkuran habang ang 40 porsyento naman ay magmumula sa DOLE.

Naglalayon din itong makatulong sa mga mahihirap subalit matatalinong mag-aaral upang makapagtrabaho sa loob ng 22 working days at tatanggap ng arawang sahod na P255.

Sa ilalim ng programang ito ay mabibigyan ng sahod ang mga SPES beneficiaries na kanilang magagamit na pantustos sa kanilang mga bayarin sa eskwela sa susunod na pasukan o maipambili ng mga gamit sa kanilang pag-aaral.(DM/LBR/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s