Tagalog news: TSeKaP Equipment Package, ipinamahagi ng DOH sa bayan ng Romblon

ROMBLON, Romblon, Abril 1 (PIA) — Isinagawa kamakailan ng Department of Health (DOH) ang TSeKaP Equipment Package Ceremonial Turn-over sa covered court ng Romblon Public plaza.

Ang Tamang Serbisyo para sa Kalusugan ng Pamilya (TSeKaP) package na ipinamahagi sa mga Barangay Health Stations ay naglalaman ng kagamitang medical gaya ng glucometer, dressing set, thermometer, nebulizer, digital BP at stethoscope.

Ang programang ito ng DOH ay naglalayong mabigyan ng mga bagong medical equipments ang mga health center upang matugunan ang kakulangan sa gamit ng mga midwife sa mga barangay.

Ayon kay Dr. Merly Valen H. Mallorca, Municipal Health Officer ng Rural health Unit (RHU)-Romblon, may magagamit na ang mga midwife sa panggagamot sa kanilang lugar at maraming mga pasyente ang tiyak na makikinabang sa mga ito.

Ang dalawampu’t limang barangay health stations sa bayan ng Romblon ay nakatanggap tig-isang glucometer, isang dressing set, dalawang thermometer, dalawang nebulizer, isang digital BP at isang stethoscope.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s