Tagalog news: ‘Task Force Iwas Baha’ sa OrMin, nagsimula nang mag-iimbestiga

CALAPAN, Oriental Mindoro, Abril 1 (PIA) – Sinimulan na ng Task Force Iwas Baha ang pag-iikot at pag-iimbestiga sa mga lugar na binaha sanhi ng nakaraang bagyong Nona na tumama sa lalawigan noong nakaraang taon.

Layunin nito na malaman ang mga naging dahilan upang mabigyan ng tamang solusyon ang mga lugar na matutukoy para makaiwas sa baha ngayong darating na tag-ulan.

Kaugnay nito, kasalukuyan ding nagsasagawa ang Department of Agriculture (DA) ng ocular inspection at assessment sa mga lupa, ilog at halaman sa mga lugar na naapektohan ng pagbaha. Kaalinsabay nito ang pagsasagawa ng hydrological, geo-hazard at iba pang field tests ng Mines and Geo-Sciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang matiyak ang syentipikong naging dahilan ng pagbaha. Bukod pa rito, nakatakdang magsagawa ang grupo ng aerial survey sa madaling panahon upang makita ang kabuuan at ang kasalukuyang kalagayan ng kapaligiran sa mga apektadong lugar sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Matatandaan na tumama sa lalawigan ang bagyong Nona noong Disyembre 15 at nagdulot ng matinding pinsala sa agrikultura at imprastraktura. Gayundin, maraming bahay ang nasira, nawalan ng kuryente at iba pang serbisyong panlipunan at nakapagtala ng 13 casualties. Ito ay kabilang sa matitinding kalamidad na tumama sa Oriental Mindoro sa nakalipas na tatlong dekada.

Ang mga apektadong lugar na binaha ay ang mga bayan ng San Teodoro, Baco, Victoria, Naujan at maging ang lungsod ng Calapan.

Sa ilalim ng Executive Order No. 60 series of 2016, nilagdaan ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. ang isang batas o kapasiyahan ng pagbuo ng nabanggit na task force upang mapabilis ang mga gawaing may kaugnayan dito.

Pinamumunuan ni Gob. Umali ang Task Force at myembro nito ang mga sumusunod: DENR-MGB, DA Mimaropa, Provincial Government – Environment & Natural Resources Office (PG-ENRO), National Commission on Indigeneous People (NCIP), Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology & Seismology (DOST-PHIVOLCS), Department of Energy (DOE), Office of Civil Defense (OCD), Department of the Interior and Local Government (DILG), Provincial Legal Office, Provincial Care Forum, Governor’s Office–Disaster Risk Reduction and Management Division, Alyansa Laban sa Mina (ALAMIN) at Halcon Mountaineering Society (HALMS).

Inatasan na ni Gob. Umali ang task force na sa loob ng tatlong lingo mula ngayon ay kailangan nang magsumite sa kanya ng inisyal na komprehensibong ulat ang grupo kung saan nakalagay ang dahilan o mga kadahilanan ng naturang pagbaha sa mga bayang nabanggit. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s