Tagalog news: Satellite office ng PCSO, pormal na binuksan sa Romblon Provincial Hospital

ODIONGAN, Romblon, Abril 1 (PIA) — Pormal na isinagawa ang soft opening ng satellite office ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Romblon Provincial Hospital kamakailan.

Dinaluhan ito nina PCSO General Manager Atty. Jose Ferdinand Rojas II, Governor Eduardo Firmalo, Romblon Provincial Hospital Chief Benedict Anatalio, at ilang mga Sanguniang Panlalawigan members.

Sa bisa ng isang resolusyon na pinagtibay ng Sanguniang Panlalawigan na humihiling sa PCSO na maglagay ng satellite office sa Romblon at kinilala rin nito kamakilan ang pagbubukas ng PCSO Branch sa lalawigan na isa umanong milestone para sa mga taga-Romblon.

Ayon kay Governor Firmalo, malaki ang maitutulong ng PCSO sa mga mamamayan ng Romblon dahil marami sa mga ito ang nangangailangan ng ayuda sa panahon ng kagipitan lalo na sa malaking halaga sa mga pagpapagamot kapag nagkasakit.

Pinasalamatan din ng mga Sanguniang Panlalawigan members si PCSO Chairman Erineo “Ayong” Maliksi at si General Manager Jose Ferdinand Rojas II sa pagdala ng PCSO sa lalawigan.(DM/LBR/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s