Tagalog news: Programa ng PAGIBIG Fund, inilapit sa mamamayan ng Occ Min

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Abril 1 (PIA) – Dumating sa lalawigan kamakailan ang mga representante ng Pag-IBIG Fund Business Development Department (PFBDD) upang ipaliwanag ang mga programa ng Home Development Fund (Pag-IBIG Fund) sa mga miyembro nito.

Sinabi ni Joel Clemente, Housing Relation Officer, na ang pinakamalapit nilang sangay ay matatagpuan sa Lalud, Calapan Oriental Mindoro kung kaya’t pinadala sila ng kanilang tanggapan. Tanging satellite office lamang ng Pag-IBIG Fund ang matatagpuan sa bayan ng San Jose at ang mga aplikasyon na isusumite dito ay ipoproseso pa rin sa kanilang sangay sa Calapan.

Ipapamahagi rin ng grupo ang mga notaryadong Memorandum of Agreement (MOA) ng Employer Accreditation Program (EAP).

Ayon kay Jean Nator , Chief Division ng PFBDD, ang mga naturang MOA ay nilagdaan noong 2015 ng PAGIBIG Fund representative at mga employers sa lalawigan. Layunin ng MOA na lalong mapatibay ang ugnayan ng dalawang panig (Pag-IBIG at employer). “Nakasaad sa MOA ang responsibilidad ng bawat partido. Gaya ng responsibilidad ng Pag-IBIG (Fund) na makapagbigay ng personalized service sa mga nais kumuha ng housing loan” dagdag pa ni Nator.

Binisita ng grupo ang lahat ng mga bayan sa lalawigan, upang mailapit ang iba’t ibang programa ng Pag-Ibig Fund sa mga mamamayan. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s