Tagalog news: PPO Occ Min, nanguna sa Regional PGS Compliance Evaluation Process

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Abril 1 (PIA) – Nanguna ang Police Provincial Office (PPO) ng Occidental Mindoro sa isinagawang Regional Compliance Evaluation Process (CEP) sa ilalim ng Performance Governance System (PGS) na isinagawa sa Police Regional Office Mimaropa kamakailan.

Sumailalim sa pagsusuri para sa lalawigan si Philippine National Police (PNP) Provincial Director PSSupt Reynaldo Jagmis, kasama ang 11 hepe ng bawat Municipal Police Station (MPS).

Layunin ng naturang ebalwasyon na makita ang mga inisyatibong isinagawa ng lokal na kapulisan kung patungo nga ba ito sa direksyon ng P.A.T.R.O.L. (Peace and Order Agenda for Transformation and Upholding of the Rule-Of-Law) PLAN 2030. Base sa paliwanag ni direktor Jagmis, mithiin ng PATROL Plan 2030 na ang buong kapulisan sa bansa ay dapat na kapani-paniwala, may kakayahan at epektibo.

Ayon naman kay PNP PSUPT Emerson Mañibo, Deputy Provincial Director for Administration, unang isinagawa ang performance audit at strategic readiness test. Tiningnan ng “auditing team” kung sinunod ng PPO ang mga kinakailangan para sa compliance stage. Mataas ang nakuhang marka ng PPO Occ Min sa pagsusuring ito

Sumunod na isinagawa ay ang Unit Revalida o ang performance governance reporting kung saan isinalang si direktor Jagmis sa masusing pagtatanong ng mga naitalagang panel. Inalam ng mga ito (panel) kung totoo at ano ang mga ginawang inisyatibo ng PPO.

Makalipas ang ilang linggo matapos ang pagsusuri ay lumabas na nanguna ang PPO Occ Min sa pangkalahatang ebalwasyon para sa Compliance Stage. Nangangahulugan nito na maari ng isagawa ng lokal na kapulisan ang paghahanda para sa Profiency Stage.

Nauna ng naipasa ng PPO ang unang yugto ng PGS na Initiation stage noong 2014. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s