Tagalog news: Pagpapahalaga sa tubig, mensahe ng World Water Day

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Abril 1 (PIA) – Ipinagdiwang sa buong mundo ang World Water Day noong ika-22 ng Marso.

Ayon kay Dr. Vicente Tuddao Jr., Assistant Regional Director (ARD) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), ang pagdaraos na ito ay bilang paggunita sa kahalagahan ng tubig sa pamamagitan ng tamang paggamit, pangangalaga, pagtitipid at pagre- recyle, na dapat maibahagi at matutunan ng lahat ng mamamayan.

Ginawang halimbawa ni ARD Tuddao ang isang car wash station na marami ang nagagamit na tubig upang maipanglinis ng mga sasakyan. Aniya, dapat magkaroon ng pamamaraan upang magamit pa ang tubig na ginamit dito na maaring maipanglinis o kaya at pang flush ng toilet. “Dapat ay magkaroon ng treatment ang mga tubig na may detergent (sabon) upang magamit na pandilig sa halaman”, dagdag paliwanag ni Tuddao.

Isa pa sa malaking problema sa tubig ng ating bansa ay ang polusyon. Sinabi ni ARD Tuddao na 80 porsyento ng mga polusyon sa ating mga ilog ay mula sa domestic wastes o mga dumi na itinatapon ng mga kabahayang malapit o nasa tabing-ilog. Ang mga kabahayang ito, dagdag pa ni Tuddao, ay walang palikuran at walang pamamaraan ng tamang pagtatapon ng basura kung kaya’t ang lahat ng dumi ng mga ito ay sa ilog itinatapon.

Bilang suhestyon, sinabi ni Tuddao na dapat bigyang pansin ng pamahalaan ang problemang ito at maglaan ng sapat na pondo sa ahensya ng pamahalaan na nakatalaga upang bigyang aksyon ang ganitong problema. “Dapat magkaroon ng treatment process, makapagbigay ng kasilyas para sa mga kabahayang malapit sa ilog at pataasin ang kamalayan sa tamang pag gamit ng tubig”, ayon pa kay Tuddao. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s