Tagalog news: LTO Romblon, nagtalaga ng deputized agents sa Tablas island

ODIONGAN, Romblon, Abril 1 (PIA) — Dahil sa pakikipagtulungan ng Romblon Police Provincial Office (RPPO), kasalukuyan nang mayroong Deputized Agents ang Land Transportation Office (LTO) sa mga bayan ng Odiongan, Calatrava, San Agustin, Sta. Maria, Santa Fe, Looc at Ferrol.

Ang mga itinalagang pulis sa mga nabanggit na bayan ang magpapatupad ng regulasyon sa batas trapiko at manghuhuli sa mga motoristang lumalabag sa ipinaiiral na batas sa mga kalsada.

Ang mga LTO deputized agents ang naatasang manita o magpahinto ng sasakyan at manghuhuli sa mga motoristang nagmamanehong walang lisensiya, hindi rehistrado ang sasakyan, may maiingay na tambutso o modified ang muffler at hindi nagsusuot ng seatbealt at helmet.

Tutukan rin ng mga ito ang pagsita sa mga nagmamanehong lango sa alak o nasa ilalim ng empluwensiya ng ipinagbabawal na gamot at dapat na magpailalim ang sinumang nagmamaneho sa mga test na magpapatunay kung driving under the influence (DUI) ba ito o hindi.

Ayon sa pamunuan ng LTO Romblon District Office, ang lahat ng mga deputized agents ay sumailalim sa masusing training hindi lang sa pagre-recognize ng isang nakainom kundi pati ‘yung mga drug recognition protocol kung saan itinuro sa mga ito kung paano mare-recognize hindi lang ‘yung mga lasing kundi ‘yung mga posibleng naka-droga.

Nagpaalala ng LTO Romblon na upang maiwasan ang pagkumpiska ng driver’s license, pag-impound ng kanilang sasakyan at pagbayad ng mataas na multa ay sundin lamang ang ipinaiiral na batas sa mga kalsada.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s