Tagalog news: Bahay Pag-Asa Youth sa Puerto Princesa, bukas na

PUERTO PRINCESA, Palawan, Abril 1 (PIA) — Bukas na para magserbisyo sa mga kabataan na nahaharap sa isyu ng Children in Conflict with the Law (CICL) ang Bahay Pag-asa Youth Center matapos ang pormal na pagbabasbas at pasinaya nito kamakailan.

Ang nasabing sentro na kauna-unahan sa buong rehiyon ng Mimaropa ay itinayo sa compound ng Provincial Agricultural Center (PAC) na matatagpuan sa Barangay Irawan, lungsod ng Puerto Princesa.

Ang naturang pasilidad ay mayroong pitong kuwarto, malaking kusina, maalwang bakuran at may kakayahang makapagkanlung ng 20 kabataang nagkasala sa batas.

Matatandaan na ang konstruksyon ng gusali ng Bahay Pag-asa ay natapos na noon pang 2012 sa pamamagitan ng pondo mula sa opisina ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, ngunit hindi kaagad ito magamit dahil sa wala pa itong bakod, mga kagamitan sa loob at pondong pampasahod sa mga kawaning magseserbisyo dito. Dahil dito, ang pamahalaang panlalawigan ay naglaan ng pondong Php957,931.59 para sa pagpapagawa ng peremeter fence at Php500,000 para sa kagamitan sa loob tulad ng mga kama, beddings, at iba pang kagamitang kailangan ng mga kabataang pansamantalang manunuluyan dito habang hinaharap ang ikalawang pagkakataon na pagbabagong buhay.

Sa pasinaya ay naging panauhing tagapagsalita sina Department of Social Welfare and Development Region IV-B MIMAROPA Director Wilma D. Naviamos at Regional Trial Court Branch 50 Presiding Judge Jose Bayani Usman.

Ayon naman kay Director Naviamos, kauna-unahan ang lalawigan ng Palawan sa pagpapatayo ng naturang pasilidad sa buong Mimaropa kung kaya binati niya ang kasalukuyang liderato sa pagiging modelo nito sa iba pang lalawigan sa rehiyon.

Sa mensahe naman ni Judge Usman, sinabi nito na ang pagpapasinaya ng pasilidad para sa mga kabataang nagkasala sa batas ay isang “giant step” upang isulong ng kanilang kapakanan at bilang pagsunod sa batas na dapat sila ay ihiwalay sa mga nakakatandang bilanggo.

Matapos ang pasinaya ay itinakda din ang paglilipat ng 17 kabataan sa nasabing Sentro mula sa Palawan Provincial Jail na nag-eedad 15-17 taong gulang.

Ang mga ito ay mula sa kabuuang 50 kabataang nasa ilalim ng Children in Conflict with the Law, ayon kay Provincial Social Welfare and Development Officer Abigail D. Ablaña. (PIO/OCJ-PIA4B Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s