Tagalog news: 23 benepisyaryo sa Looc, Romblon sumailalim sa livelihood training ng DSWD

LOOC, Romblon, Abril 1 (PIA) — Dalawampu’t tatlong benepisyaryo mula sa bayan ng Looc ang sumailalim sa Training on Blue Crab Fattening Project ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-IVB Mimaropa.

Ang mga ito ay pinagkalooban din ng starter kits ng nasabing ahensiya na nagkakahalaga ng P473,560 at P52,181 cash para sa pagtatayo ng cages at footbridge.

Ang pagsasanay hinggil sa pag-aalaga at pagpapataba ng mga alimango ay nasa ilalim ng Sustainable Livelihood Project (SLP) ng nasabing ahensiya kung saan ang mga benepisyaryo nito ay ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.

Ang SLP ay isang community-based capacity-building program na naglalayong mai-angat ang pamumuhay ng mga benepisyaryo nito sa pamamagitan ng Community-Driven Enterprise Development approach.

Ang mga crab cages ng mga benepisyaryo ay itinayo sa mangrove area ng nasabing bayan sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Romblon Provincial Fishery Office.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s