Tagalog news: PDRRMO, PCG-Romblon, maglalagay ng signages sa mga pantalan

ROMBLON, Romblon, Mar 28 (PIA) — Sinisimulan na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard (PCG)-Romblon Station ang paglalagay ng signages sa mga pantalan (sea ports) sa buong lalawigan.

Ito ang pagbabatayan ng mga barko, pampasaherong bangka at mga maliliit na mangingisda kapag may nakataas na babala ng bagyo o mayroong gale warning sa lalawigan na magsisilbing babala (warning sign) o paalala na bawal ng pumalaot o maglayag.

Sinabi ni Engr. Antonio P. Sarzona, PDRRM Officer, na kanyang isinusog ang nasabing suhestiyon sa PCG-Romblon na maglagay ng warning sign sa tuwing may bagyo o nagbabantang sama ng panahon at may nakataas na gale warning sa probinsiya upang maging aware ang lahat ng maglalayag.

“Layunin din nito na mailayo sa kapahamakan ang mga mananakay o pasahero,” maikling pahayag ni Sarzona.

Nagsimula na silang maglagay ng tarpaulin sa mga daungan na nagsasaad ng mga palatandaan at paalala kapag may weather disturbances. May itataas umanong bandila sa tuwing masungit ang lagay ng panahon kung saan sa kulay nito magbabase ang mga barko at pampasaherong bangka kung maaari ba silang maglayag o hindi.

Kapag kulay dilaw na parihaba ang nakataas na bandila, ang maliliit na bangka ay hindi maaring pumalaot; kapag pulang oval ang nakataas sa pole, hindi na papayagang pumalaot ang mga pampasaherong bangka (pump boat) at kapag pulang parihaba naman ang nakataas, lahat ng uri ng sasakyang pandagat ay hindi na pahihintulutang maglayag.

Inaasahan ng PDRRMO at coast guard na epektibo itong paraan upang mabigyan ng mabilis na impormasyon o abiso ang lahat ng mga barko, pampasaherong bangka, malilit na uri ng bangkang pangisda at maging ang mga pasahero.(DM/LBR/PIA-IVB/romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s