Tagalog news: TESDA Scholarship, alay sa apektado ng El Nino sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA , Palawan, Mar. 18 (PIA) — 100 slots ng scholarship grant o libreng pag-aaral ang ibibigay ng Technical Education and Skills Authority (TESDA) sa mga magsasaka ng lungsod na lubhang naapektuhan ng El Niño phenomenon.

Ito ang inihayag ng bagong TESDA-Palawan Provincial Director Renato Pantaleon sa kanyang pagbisita sa Sangguniang Panglungsod ng Puerto Princesa kamakalawa.

Ayon kay Dir. Pantaleon, Masonry at Carpentry ang mga kursong maaring pasukan ng mga magsasaka sa lungsod na malubhang naapktuhan ng El Niño na pinaglaanan ng TESDA ng mahigit Php1Milyon nito lamang buwan ng Pebrero.

Ang mga magsasakang mula sa mga Barangay ng Tiniguiban, Sicsican at Sta. Monica ang natukoy na mabebenipisyuhan ng libreng pag-aaral sa TESDA.

Sa kasalukuyan ay kinukumpirma pa ng TESDA ang talaan ng mga magsasaka na nanggaling sa Department of Agriculture (DA) sa City Agriculturist Office. Partikular na kinukumpirma ng TESDA ang mga edad at tirahan ng mga magsasakang posibleng mabibiyayaan ng nasabing programa dahil tanging ang mga nag-eedad 30-50 taong gulang lamang at nakatira sa tatlong nabanggit na barangay sa lungsod ang maaaring ma-kwalipika dito.

Ani Dir. Pantaleon, matapos pumasa sa 19 at 24 araw na pagsasanay ang mga benepisyaryo ay maaari na silang mabigyan ng sertipiko at maaari na ring mabigyan ng panibagong oportunidad o hanapbuhay sa pamamagitan ng kanilang bagong skills o kasanayan habang naghihintay ng panahon na makabalik sa pagsasaka.

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ahensiyang maaring nilang pasukan pagdating na sila ay makatapos ng nasabing kurso. (OCJ/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s