Tagalog news: Pledge of Commitment ng mga lokal na pinuno sa OrMin, nilagdaan

CALAPAN, Oriental Mindoro, Mar 17 (PIA) – Pormal na nilagdaan nina Gob. Alfonso V. Umali Jr., Bise Gobernador Humerlito A. Dolor, mga hepe ng iba’t ibang tanggapan sa sa kapitolyo, at ng mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan ang Pledge of Commitment para sa proyektong Partnership for Integrity and Jobs (I4J) na isinagawa sa Tamaraw Hall ng Kapitolyo kamakailan.

Sa kanyang pananalita, ipinahayag ni Gob. Umali ang kanyang paniniwala na sa pagkakaisa ng lahat, mapagtatagumpayan ng lalawigan ang hamon ng programang ito.

Ang Pledge of Commitment ng Kapitolyo ay halaw naman mula sa mga pledge of commitment na ginawa ng bawat tanggapan sa kapitolyo na nilagdaan din ng mga staff nito. Ang commitment na ito ang magsisilbing gabay at direksyon ng bawat tanggapan at magpapaalala ng inaasahang serbisyo mula sa kanilang tanggapan.

Ang Oriental Mindoro at ang bayan ng Naujan ay kapwa benepisyaryo ng programa na ipinatutupad ng Konrad Adenauer Stiftung ng European Union at ng German Ministry for Economic Cooperation and Development.

Kabalikat din sa programa ang Centrist Democracy Political Institute, European Chamber of Commerce of the Philippines, League of Cities of the Philippines, League of Municipalities of the Philippines, at ang League of Provinces of the Philippines.

Matatandaan na inilunsad ang I4J sa Pilipinas noong taong 2014 at humihikayat sa mga napiling LGUs na gawing pangunahin sa paglilingkod ang pagkakaroon ng matapat at mahusay na pamamahala na magdudulot ng tuluy-tuloy na kampanya para sa kamalayan ng pagganap sa tungkulin at bukas sa pamamahala para maiwasan ang korapsyon sa mga kalakaran sa pamahalaan.

Nahahati sa apat na phases ang programang ito, ang Project Set-up Phase, Piloting Phase, Dissemination Phase at Conclusion Phase. Matatapos ang I4J program sa Disyembre 2016.

Samantala, ang iba pang benepisyaryo ng I4J program sa buong bansa ay ang lungosd ng Puerto Princesa, lungsod ng San Carlos, Cagayan de Oro, Tuburan, Iranun Cluster (Barira, Buldon, Matanog at Parang) at ang mga lalawigan ng Cebu at South Cotabato. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s