Lathalain: LED bulb, inirerekomenda sa pagbawas ng epekto ng Climate Change

Inirerekomenda ngayon ng pamahalaang panlalawigan ang paggamit ng Light-Emitting Diode (LED) bulb, hindi lamang sa mga tahanan kundi mas mainam kung ito ang gagamitin ng mga tanggapan sa pamahalaan at maging sa mga proyektong street lights.

Ayon sa pag-aaral, ang paggamit ng LED bulb ay nakatitipid sa konsumo ng kuryente, environment-friendly at nakababawas sa epekto ng climate change.

Mas efficient ang paggamit ng LED dahil ang paggamit nito partikular sa mga proyektong street lights, makatitipid ito ng hanggang 70% sa makokunsumong kuryente. Kapag ganito, ang 70 porsiyentong matitipid sa pambayad sa kuryente ng pamahalaang lokal, magagamit pa sa iba pang kinakailangang proyekto.

Mas matagal din ang buhay ng LED light bulb kumpara sa ordinaryong bulb na umaabot nang hanggang 8,000 oras na sumisindi kumpara sa ordinaryo na umaabot lamang ng hanggang 1,200 oras ang itinatagal.

Itinuturing ding “the greenest solution” ang LED light dahil hindi ito naglalaman ng sangkap na highly toxic mercury na nagbibigay peligro, hindi lamang sa kapaligiran kundi sa kalusugan ng tao. Katumbas din ng isang LED light bulb ang 25 incandescent light bulb. Mas mababa rin ang napo-produce nitong carbon dioxide, sulfur oxide at nuclear waste na nasa 200kg lamang kada-taon kumpara sa 30 incandescent lights na nakapagre-release ng 2,500 kg kada-taon. Ang mga nabanggit na elemento ay ang sumasangga sa kalawakan at umaambag sa pag-init ng mundo.

Maliban pa rito, ang LED light bulb ay maka-anim na beses tumatagal sa ordinaryong light bulb, nakaka-save ito ng polusyon at dumi. Ito rin ay nakababawas ng green house gas emissions ng hanggang siyam na bilyong libra. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s