Tagalog news: ‘Barangay Elecrification Action Plan’ binuo sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mar 15 (PIA) — Sa layuning matugunan ang kakulangan ng kuryente sa maliliit at malalayong barangay sa lalawigan ay isang Barangay Electrification Action Plan ang binuo ng mga stakeholders ng sektor ng enerhiya.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Workshop on the Formulation of a Village Electrification Convergence Action Plan for the Province of Palawan na ginanap kamakailan sa Governor’s Conference Room ng gusaling Kapitolyo.

Pinangunahan ito ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng JEDAG o Joint Energy Development Advisory Group na pinamumunuan ni Ceasar R. Ventura bilang Energy Program Director. Dumalo naman dito ang mga representante ng sektor ng enerhiya sa lalawigan na kinabibilangan ng Department of Energy (DOE), National Electrification Administration (NEA) na kinatawan ni Rodolfo D. Evangelista, National Power Corporation (NPC) na kinatawan ni Edmund A. Veloso, Jr, bise-presidente ng NPC-SPUG, Palawan Electric Cooperative (PALECO) na kinatawan ni Jeffrey Tan at Busuanga Island Electric Cooperative (BISELCO) na kinatawan ni Ruth Galang.

Sa aktibidad na ito ay iprinisenta ng mga dumalong ahensya ang kani-kanilang mga proyektong pang-enerhiya. Bahagi rin sa mga tinalakay ay ang mga suliranin na maaaring kaharapin sa darating na panahon na maaaring makaantala sa pagsasakatuparan ng proyektong pailaw sa mga barangay gayon din ang kinakailangang solusyon upang mapabilis ang implementasyon nito sakaling maipasa at maaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ang naturang action plan.

Samantala, naatasan naman ang Paleco at Biselco sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan na magsagawa ng survey sa mga bagong Village Electrification Program sites bilang paghahanda sa implementasyon ng proyekto.

Pagkatapos mabuo ang Barangay Electrification Action Plan ay agad namang nagsagawa ng “signing of commitment to the action plan” ang mga dumalong ahensiya sa pamamagitan ng kanilang mga representante bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa pagsasakatuparan ng naturang gawain.

Ayon kay Ceasar R. Ventura, hangad ng pamahalaang panlalawigan na malagyan ng elektrisidad ang lahat ng mga bayan sa lalawigan at ang JEDAG ang naatasan para sa implementasyon ng nabuong Energy Master Plan na siyang solusyon sa krisis sa kuryente sa lalawigan. (PIO/OCJ-PIA4B Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s