Tagalog news: Rabies Awareness Month inoobserba sa Palawan ngayong buwan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mar 14(PIA) — End Rabies, Now – ito ang tema ng Rabies Awareness Month ngayong Marso na ino-obserba hindi lmang sa lalawigan ng Palawan kundi sa buong bansa.

Kaugnay nito ay nagsagawa ang mga kawani ng Provincial Veterinary Office (PVO) kasama ang Provincial Health Office (PHO) at City Veterinary Office (CVO) ng motorcade kamakailan sa mga pangunahing lansangan dito sa lungsod. Ito ang simula ng isang buwang aktibidad na isasagawa ng mga nabanggit na tanggapan sa pag-obserba ng Rabies Awareness.

Ang naturang motorcade ay pinangunahan nina Provincial Veterinarian Dr. Juanito Pio Lledo, Acting Provincial Health Officer Dr. Mary Ann Navarro at City Veterinarian Dr. Indira Santiago.

Ilan sa isasagawa ng PVO ngayong Marso ay ang Rabies Awareness Forum at libreng bakuna laban sa rabies para sa mga may alagang aso.

Patuloy naman ang isinasagawang Information Education Campaign (IEC) ng PVO sa mga munisipyo sa Palawan hinggil sa rabies at pagbabakuna sa mga hayop tulad ng mga aso.

Layon nito na mabigyang kaalaman at edukasyon ang mga mamamayan patungkol sa kahalagahan ng pagbibigay ng anti-rabies vaccination sa kanilang mga alagang aso.

Ayon kay Dr. Carla Limsan ng PVO, tumataas ang bilang ng mga nakakagat ng aso tuwing sasapit ang buwan ng Marso dahil ito rin ang panahon ng bakasyon at karamihan sa mga bata na naglalaro sa labas ng kanilang bakuran ay kalimitang nagiging biktima nito.

Pinapaalalahanan ni Dr. Limsan ang mga mamamayan na may mga alagang hayop na pahalagahan at maging responsable sa pangangalaga ng kanilang mga alagang hayop lalong-lalo na ang mga aso. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng regular na bakuna laban sa rabies upang maiwasan ang paglaganap nito. (OCJ/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s