Tagalog news: Sanhi ng pagbaha sa Naujan, OrMin noong bagyong Nona bingyan linaw

CALAPAN, Oriental Mindoro, Mar 11 (PIA) – “Base sa mga datos, at aming presentasyon, aerial survey, hindi po ang aming proyekto ang dahilan ng massive flooding sa mga kalapit na barangay sa Naujan malapit sa aming proyekto.”

Ito ang naging tugon ni Catuiran Hydro Power Corporation Project Coordinator Joseph Nuevas hinggil sa isyung may kinalaman diumano ang kanilang proyekto sa nangyaring malawakang pagbaha sa ilang barangay sa bayan ng Naujan noong nakaraang Disyembre kasabay ng paghagupit ng Bagyong Nona.

Ang pahayag na ito ang naging sagot ng kumpanyang nangangasiwa sa Lower Catuiran 8MW Hydro Power Plant project sa ekslusibong panayam ng Kapitolyo Para Sa Mamamayan (KPSM) news team kasabay ng isinagawang presscon ng Capitol Press Corp (CPC) kamakailan.

Matatandaang ang proyektong Lower Catuiran 8MW Hydro Power Plant project na nakabase sa Barangay Malvar, Naujan ay kasalukuyang ginagawa ng Sta Clara International Corporation bilang kontraktor ng proyekto na siyang kinomisyon ng naturang kumpanya para sa konstruksyon nito.

Ayon pa kay Nuevas, dahil sa nangyaring pinsala sa kanilang proyekto, maaantala ng ilang buwan ang target na pagtapos ng kanilang proyekto ngayong darating na buwan ng Hulyo na magsu-supply ng sapat sanang karagdagang kuryente sa lalawigan sa may 15,000 kabahayan.

Para naman sa iba pang isyu, nilinaw ng grupo mula sa Sta. Clara, sa pangunguna nina Sta. Clara International Corporation Project Manager Engr. Albert Mendoza, Engr. Julius Nakihid, at iba pang kasama, sa harap ng mga kasapi ng CPC na anila’y hindi pagmamay-ari ng Sta. Clara International Corporation ang naturang proyekto, kundi magkatuwang itong proyekto ng Sta. Clara Power Corporation at Union Energy Corporation.

Bilang suporta naman sa kanilang mga pahayag, nagpakita sila ng presentasyon ng kanilang operasyon at mga kuha ng mga nasira ng bagyong Nona sa kanilang planta.

Partikular na ipinakita nila ang “controlled blasting activity” sa may 3km tunnel na may sukat na 3×2 X 3×2 height in diameter.

Anila pa, bukas ang kanilang tanggapan sa mga nais bumisita sa site ng kanilang proyekto. Sinabi rin nilang dahil may binuong Task Force Iwas-Baha (TFIB) ang Pamahalaang Panlalawigan na tututok at mag-iimbestiga sa mga nangyaring pagbaha, mas mabuting hintayin na lamang anila ang resulta nito.

Ang TFIB ay binubuo ng mga eksperto at mga nagsusulong ng adbokasiya sa kalikasan at kapaligiran. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s