Tagalog news: 10M aquaculture project sa Sibuyan island, pinondohan ng DBP

CAJIDIOCAN, Romblon, Mar 11 (PIA) — Inaprubahan na ng Development Bank of the Philippines (DBP) ang P10 milyong pautang sa itatayong aquaculture project ng Kauswagan Sang Isla ng Sibuyan Enterprise sa bayan ng Cajidiocan, Romblon.

Planong magpatayo ng nasabing enterprise ng 1.2 ektaryang palaisdaan na magpapadami ng grouper fingerlings upang maibenta sa mga grouper growers sa ibang probinsiya.

Ayon sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng DBP, ang nasabing grant ay makatutulong upang umunlad ang aquaculture industry sa rehiyon ng Mimaropa. Batay sa proposal na isinumite ng Kauswagan Sang Isla ng Sibuyan Enterprise, maglalagay sila ng fixed cages gamit ang teknolohiyang makatitiyak na matibay at maayos ang pagpapatakbo nito.

Inaasahang makapagpo-produce ito ng 750,000 grouper fingerlings kada taon na maaaring ibenta sa mga lalawigang may malawak na palaisdaan gaya ng Quezon, Pangasinan, and Zambales.

Prayoridad aniya ng DBP na pahiramin ng pondo ang mga programang pang-imprastraktura, logistics, social services, protection of the environment, at maging ang mga nasa micro, small and medium enterprises.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s