Tagalog news: Bayan ng Gloria, benepisyaryo ng ‘Serbisyo Ora Mismo’ ng LGU OrMin

CALAPAN, Oriental Mindoro, Mar 8 (PIA) – Naging benepisyaryo ng programang Serbisyo Ora Mismo ng kapitolyo ang mga mamamayan ng Gloria sa pinakahuling pag-ikot nito kamakailan.

Tinatayang umabot sa mahigit 1,000 mamamayan ang nabiyayaan ng mga libreng serbisyong hatid ng programa tulad ng medikal at dental.

Ang gawain ay pinamahalaan ng Provincial Health Office sa pamumuno ni Provincial Health Officer Dr. Normando Legaspi kasama si Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) Chief of Hospitals Dr. Marpheo E. Marasigan sa pakikipagtulungan ng Municipal Health Office na pinamumunuan ni Dr. Miguel Soller, Philippine Academy of Family Physicians, Medical at Dental Society at Department of Health (DOH) Regional Health Services team.

Maliban dito, nagkaloob din ng libreng pagbabakuna at namigay ng mga libreng gamot ang Provincial Veterinary Office sa mga nasasakupang barangay ng nasabing bayan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s