Tagalog news: 102 estudyante sa Romblon, nagtapos sa pagsasanay ng TESDA

CALAPAN, Oriental Mindoro, Mar 8 (PIA) – Nasa 102 mga estudyante mula sa limang batch ang nagsipagtapos at nakatanggap ng NC II certificate mula sa TESDA bilang bahagi ng 2015 Bottoms Up Budgeting Scholarship Program ng lokal na pamahalaan ng Calapan kamakailan

Ang programa ay nasisakatuparan sa pakikipagtuwang ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa ilalim ng programang Access to Government Initiatives for Livelihood Assistance (AGILA).

“Layunin nating makapagbigay ng oportunidad sa marami na makapag-umpisa ng negosyo sa pamamagitan ng sunud-sunod na training programs at livelihood skills,” pahayag ni Mayor Arnan C. Panaligan.

Ilan sa mga skills training na ibinigay sa mga ito ay ang Motorcycle and Small Engine Serving NC II, (Batch 1 & 2), Electronic Products Assembly and Servicing NC II, Electoral Installation Maintenance NC II, Food Processing NC II kung saan ay hindi lamang diploma ang tinanggap ng mga mag-aaral kundi kompletong tools bilang panimula ng kanilang pangkabuhayan.

Sinabi naman ni TESDA Administrative Officer Ma. Lourdes Del Mundo na ang tinanggap ng mga nagsipagtapos ay national certificate kaya ang tawag sa mga ito ay World Class Worker. Kalimitan sa mga nagsanay sa ilalim ng TESDA ay mabilis nakakahanap ng trabaho. Ang sertipiko aniya ay hindi itinatago, ito ay ginagamit para umunlad. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s