Tagalog News: Unity Walk, isinagawa ng BFP Romblon para sa Fire Prevention Month

ROMBLON, Romblon, Mar 7 (PIA) — Nagsagawa ng Unity Walk ang Bureau of Fire Protection (BFP) – Romblon para sa pag-obserba ng Fire Prevention Month ngayong Marso kung kailan naitatala ang mataas na insidente ng mga sunog.

Sinimulan ang Unity Walk mula sa Freedom Park sa Bgy. 2 (Poblacion), Romblon kung saan umikot ito sa buong kabayanan taglay ang temang “Kaalaman at Pagtutulungan ng sambayanan, Kaligtasan sa Sunog ay Makakamtan.”

Layunin ng Unity Walk na palaganapin ang kampanya tungkol sa kaligtasan at pag-iwas sa sunog.

Lumahok dito ang mga kawani ng Department of Education, Philippine National Police, Romblon Water District, Philippine Coast Guard, National Power Corporation, Romblon District Hospital, Philippine Red Cross, mga empleyado ng lokal na pamahalaan, mga fire volunteers at pati na rin mga senior citizen.

Ang sama-samang paglakad para sa isang Unity Walk ay taunan nang ginagawa ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) bilang panimulang aktibidad para sa Fire Prevention Month.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s