Tagalog News: PSA, target ang 100% civil registration sa loob ng 10 taon

ROMBLON, Romblon, Mar 3 (PIA) — Sinabi ni Romblon Provincial Statistical Officer Lino P. Faminialagao na layunin nito na makapagtala ng 100 porisyentong Civil Registration sa loob ng 10 taon.

Ang CRVS Decade ay alinsunod sa Proclamation No. 1106 dated August 20, 2015, na nilagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III na nagdedeklara sa taong 2015 hanggang 2024 bilang CRVS decade.

Kasabay ng inagurasyon kamakailan sa bagong tanggapan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay inilunsad din nito ang ang Civil Registration and Vital Statistics (CRVS) decade sa kabisera ng Romblon.

Isa sa highlight ng paglulunsad ng CRVS ay ang unveiling ng photo booth na nakadisenyo na replica ng isang kubo na kung sann pwedeng magpakuha ng litrato sa loob nito.

Ayon pa kay Faminialagao, na isang paraan din umano ito ng information campaign kaugnay ng kahalagahan ng CRVS dahil ang mga datus na kanilang nakakalap ay napakaimportante sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan.

Ang paglulunsad ay pinangunahan ni Regional Director Leni R. Rioflorido ng PSA IV-B (MiMaRoPa) kung saan sinaksihan ito ng mga provincial officers / directors ng National Government Agencies, lahat ng Municipal Civil Registrar sa buong lalawigan at empleyado ng PSA Provincial Statistical Office.(DM/LBR/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s