Tagalog news: One Time Big Time Operation ng PNP, isinagawa sa Occ Min

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Mar 3 (PIA)—Nagsagawa ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan ng kanilang ‘One Time Big Time Operation’ laban sa mga sangkot sa ilegal na droga kamakailan.

Sa pakikipagpulong sa media ni PNP Provincial Director Police Senior Superintendent Reynaldo Jagmis ay ibinalita nito na lima ang naaresto ng mga kapulisan sa isinagawang operasyon. Ang dalawa ay mula sa bayan ng San Jose, isa sa Sablayan at dalawa muli sa Mamburao. Ang mga nakuha sa nasabing operasyon ay 34 plastic ng hinihinalang shabu, apat na cellphones, pitong bala ng kalibre 38 baril , isang kalibre 38 baril, walong plastic pipes, 11 lighter, alluminum cap, 26 alluminum foil, 122 drug paraphernalia o mga kagamitan sa ilegal na droga.

Ang mga nahuli ay sinampahan na ng 9 na kaso para sa possession of dangerous drugs (pagtataglay ng mapanganib o ilegal na droga), pitong kaso ng possession of drug paraphernalia (pagtataglay ng mga kagamitan na gamit sa ilegal na droga), tatlong kaso ng illegal possession of fire arms (pagtataglay ng baril) at tatlong kaso ng paglabag sa Omnibus Election Code.

Ang One Time Big Time ay buwanang isinasagawa ng kapulisan upang maiparating sa mamamayan ang knailang dedikasyon sa pagsugpo ng kriminalidad sa lalawigan.

Ayon pa kay Jagmis, hinihiling niya ang suporta ng mamamayan at kung may impormasyon hinggil sa anumang iregularidad o nangyaring krimen ay agad ipagbigay alam sa PNP. Tiniyak din ng direktor ang kaligtasan ng sinumang magbibigay ng kanilang pahayag o impormasyon. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s