Tagalog news: ‘Global Green Growth Institute’, nakatakdang itayo sa kapitolyo ng OrMin

CALAPAN, Oriental Mindoro, Mar 3 (PIA) – Nakatakdang itayo ngayong taon sa loob ng kapitolyo ang Global Green Growth Institute (GGI) na magsisilbing consultant ng pamahalaang panlalawigan at gagabay sa mga kaugnay na ahensya na tagapagpatupad ng mga programang may kinalaman sa climate change.

Batid ng lahat na wala na sa tamang panahon ang pagpapalit ng klima dulot na global warming kaya nararapat na ang mga ipinatutupad na programa ng pamahalaan ay naaangkop sa hindi na mapipigilan pang climate change.

Ito ngayon ang target ng proyektong Eco-Town Climate Change Resilient Green Growth Planning na magkatuwang na isinasagawa ng pamahalaang panlalawigan at ng GGI matapos ang pagtukoy hinggil sa mga hakbanging nararapat simulan upang mapaigting ang pag-aangkop at matagumpay na maipatupad ang mga programa para sa mga mamamayan.

Layunin ng proyekto na maitaas ang antas ng kaalaman at kamalayan ng mga mamamayan hinggil sa epekto ng climate change sa pang-araw-araw na pamumuhay at mabigyang-kakayahan upang maka-angkop sa nasabing sitwasyon.

Kasama sa mga hakbangin ang paglikha ng road map hinggil dito, pagbuo ng provincial project team at pagsasaayos ng programang solid waste management at iba pang gawaing kaugnay nito. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s