Tagalog news: Ayuda ng DOST sa mga MSMEs sa Marinduque, umabot sa P3.8M

LUNGSOD QUEZON, Mar 3 (PIA) — Iniulat ng Department of Science and Technology (DOST)-Mimaropa na umabot sa Php3.8 milyon ang inilaan ng SETUP o Small Enterprise Technology Upgrading Program kamakailan sa may walong Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa Marinduque: ang mga ito ay ang Roby’s Bakeshoppe, Dy’s Bakery, Rey’s Bakeshop, SMJ Welding Shop, Brilliant Juice Manufacturer, Doughboy’s Café and Bakeshop, Moriones Baker’s Shoppe, at Putitas Puto Cakes and Café.

Pinangangasiwaan ng Department of Science and Technology ang SETUP, isang pambansang istratehiya para mahikayat ang mga maliit na kumpanya, tindaha’t pagawaan na gumamit ng agham at teknolohiya sa pagpapalakas ng operasyon upang mapagyaman pa ang kalidad ng paninda’t serbisyo at mapataas ang kita.

Hangarin ng SETUP ng DOST na makatulong sa pagpapalago ng mga negosyo, maparami ang mga trabaho at sa huli’y mapasigla ang ekonomiya sa rehiyon.

Ang pondong iginawad ay para sa pagkuha/pagbili ng mga makina’t kasangkapan, pagpapaunlad ng pasilidad o lugar ng produksyon alinsunod sa MPEX or Manufacturing Productivity Extension for Export Promotion program (isang programa pang-MSMEs sa sektor ng manufacturing) at pagdidisenyo ng mga bagong pabalat o sisidlan ng mga produkto.

Halimbawa, ang Brilliant Juice Manufacturer ay may proyektong Facility and Product Package Presentation improvement for Healthy Juice Drinks. Sa tulong ng SETUP, ang kumpanya ay kukuha ng mga kasangkapan tulad ng steam jacketed kettle, filling machine at band sealer para sa pagpapaunlad ng kanilang produksyon. Kabilang din sa proseso ang pagbabago ng mga disensyo sa etiketa’t balot ng mga produkto at sa kanilang pasilidad.

Sa kabilang dako, ang SMJ Welding Shop naman ay pinondohan din para makakuha ng mga mano-manong kagamitan tulad ng Pipe Bender, GI Sheet Plane Cutter at GI Sheet Heavy Du ty Bender.

ng pambato ng Marinduque sa SETUP ay ang Rejano’s Bakery: ang itinanghal na pangunahing SETUP Adoptor at MSMEs Packing Innovation Awardee ng 2015.

Kilala ang Rejano’s Bakery dahil sa kanilang producktong uraro.

Dahil ipinatupad ng Rejano’s ang mga rekomendasyon ng SETUP, naparami ang produksyon at napagbuti ang kalidad ng kanilang pagluluto ng uraro at iba pang produkto.

Ang kanilang mga produkto ay nakasilid sa mga balot at kahon na may mapang-akit na disensyo.

Hindi lang tumaas ang kita, dumami pa ang binabagsakan ng Rejano’s ng kanilang mga produkto: mabibili na rin sa ilang mga mall sa Kamaynilaan.

Para mabatid ang iba pang iginawad na ayuda ng DOST – Mimaropa sa mga MSMEs sa ilalim ng SETUP, tingnan ang maikling listahan sa http://bit.ly/1R6iiHb.

Bukod sa SETUP, mayroon pang isang programa na babagay sa mga samahan (People’s Organizations o POs) at mga lokal na pamahalaan (LGUs): ang Grant-In-Aid Program or GIA.

Kulang-kulang isang milyong piso halos ang sumatutal ng pondong nagmula sa GIA nuong 2015 para pondohan sa sumusunod na proyekto:

(1) proyektong buntal fiber processing (Baliis Farmers Community Association ng Sta. Cruz);

(2) produksyon ng virgin coconut oil at coconut concentrate (Batayang Pamayang Kristiyano–Buenavista Chapter ng Buenvista);

(3) produksyon ng dehydrated buko at coco kendi (Mogpog Vegetable Growers Association ng Mogpog); at (4) pagtatayo ng kiln drying facility (Bayan ng Boac).

Lahat ng partidong interesado sa SETUP at GIA ay hinihikayat na magpadala ng sulat kay Regional Director Ma. Josefina P. Abilay ng DOST-Mimaropa na matatagpuan sa DOST Complex, Gen. Santos Ave., Bicutan, Taguig City (1631). Pwede rin sulatan si Director Abilay sa mimaropa.dost4b@gmail.com o kaya matawagan sa (02) 837-2017 loc. 2093 at (02) 837-3755 (facsimile).

Para sa mga taga-Marinduque, bisitahin ang PSTC-Marinduque (pinamamahalaan ni PST Director Bernardo T. Caringal) na matatagpuan sa Provincial Capitol Compound, Bangbangalon, Boac. Maaring makaugnayan ang PSTC-Marinduque sa dostmar@yahoo.com o kaya sa (042) 311-1359.

Para naman sa mga kababayan naninirahan sa iba pang lalawigan ng Mimaropa, maari silang makipag-ugnayan sa mga sumusunod na PSTCs: (1) Romblon (sa ilalim ni PST Director Marcelina V. Servanez, PSTC Building, Tabing-dagat, Odiongan, (042) 567-5218, dostpstromblon@yahoo.com); (2) Oriental Mindoro (sa ilalim ni PST Director Jesse M. Pine, 2/F HM Center Bldg., JP Rizal St., Camilmil, Calapan City, (043) 288-8791, dost_ormin@yahoo.com); (3) Occidental Mindoro (sa ilalim ni PST Director Maria Ethelwilda G. Coronacion, 2/F E. Francisco Bldg., 1843 Juan Luna St., Labangan, Poblacion, San, Jose, (043) 491-1372, dost_occmdo@yahoo.com); at (4) Palawan (sa ilaim ni PST Director Pacifico T. Sariego III, PSTC Bldg., Sta. Monica, Puerto Princesa City, (048) 433-4369, dostpalawan@gmail.com).

Lahat ng PSTC ay may kani-kanilang account sa Facebook. (LP/LBR/PIA4B)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s