Tagalog news: Sandoval Airport, hiniling na ipasok sa Public-Private Partnership

PUERTO PRINCESA, Palawan, Peb. 29 (PIA) — Hiniling ng sangguniang panlalawigan ng Palawan kay Gob. Jose Chavez Alvarez na buksan o ipasok sa Public-Private Partnership (PPP) ang Sandoval Airport.

Ang kahilingan ito ay sa pamamagitan ng resolusyon na ipinasa sa ika-128 regular na sesyon ng sangguniang panlalawigan kamakailan na iniakda ni 1st District Board Member Winston G. Arzaga.

Ayon kay Arzaga, mas mapapabilis ang pagpapaunlad ng nasabing paliparan kung ito ay pangungunahan ng pribadong sektor partikular yaong mga grupo na may ekspertong kaalamang-teknikal at karanasan sa pamamahala at pagsasaayos ng mga paliparan.

Dagdag pa nito na kapag ang operasyon ng pasilidad ay binuksan na sa mga eroplanong pang-komersyal ay magdudulot ito ng ibayong paglago ng industriya ng turismo sa bahaging norte ng lalawigan.

Ang Sandoval Airport ay nasa estratehikong lokasyon sa Bgy. Sandoval, Bayan ng Taytay, Palawan. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng hangganan ng mga bayan ng Taytay at El Nido.

Hinihikayat din sa naturang resolusyon ang mga grupong interesado na magsumite ng unsolicited proposals sa tanggapan ng gobernador upang maging basehan ng pagpili para sa implementasyon ng proyekto. (OCJ/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s