Tagalog news: Operasyon sa mata, maaari nang gawin sa Romblon Provincial Hospital

ODIONGAN, Romblon, Peb 29 (PIA) — Maaari nang gawin ang operasyon sa sakit na katarata sa Romblon Provincial Hospital (RPH) ayon mismo kay Dr. Christian Que na isang espesyalista sa mata.

Sinabi ni Dr. Que na puwede na niyang gamutin at operahan ang mga taong may karamdaman sa paningin dahil may mga makabagong kagamitan sa nasabing hospital na magagamit sa operasyon sa mata.

Ayon kay Dr. Benedict Anatalio, hepe ng RPH, na handa na ang ospital na kanyang pinamumunuan na tumanggap ng mga pasyenteng nais magpaopera sa mata dahil kompleto na ang pasilidad at may mga bagong gamit na ito para sa ganitong uri ng operasyon.

Tiniyak naman ni Dr. Que na libre ang kanyang serbisyo sa lahat ng mga pasyenteng miyembro ng PhilHealth kaya walang dapat ipag-alala ang mga pasyente lalo na ang mga senior citizen dahil awtomatiko na silang miyembro nito.

Ang katarata aniya ay ang paglabo ng lente sa loob ng mata na nagiging dahilan ng panlalabo ng paningin. Ito umano ang pinakakaraniwang sanhi ng maraming pagkabulag sa buong mundo ngunit nagagamot naman ito sa pamamagitan ng operasyon.

“Ang pagkawala ng paningin ay sanhi ng opacification ng lente na humaharang sa liwanag na makapasok at mapokus sa retina sa likod ng mata,” maikling paliwanag ni Que.

“Ang presyo ng operasyon nyan sa Maynila ay aabot ng halos P40,000, pero kung PhilHealth member ang pasyente, siyempre malaki ang mababawas sa kanyang bayarin,” pahayag pa ng doktor.

Sa mga nais magsuri o magpagamot sa mata, maaaring magsadya sa kanyang tanggapan sa RPH tuwing ika-una at ika-tatlong linggo ng buwan dahil kada-dalawang linggo aniya ang kanyang schedule sa Romblon.(PJF/DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s