Tagalog news: 3 bayan sa Tablas, makakaranas ng 4-8 oras na brownout

ODIONGAN, Romblon, Peb 24 (PIA) — Tatlong bayan sa isla ng Tablas ang makakaranas ng pagkawala ng supply ng kuryente na aabot sa walong oras kung saan ito’y magtatagal ng isang buwan.

Kaya nais ipinababatid ng pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) Inc. na simula ngayong araw hanggang ika-22 ng Marso, magsasaayos ng distribution lines ang kanilang construction team na magiging dahilan ng apat hanggang walong oras na pagkawala ng serbisyo ng kuryente sa tatlong bayan.

Apektado ng brownout ang mga sumusunod na lugar: Bgy. Doña Trinidad, Bgy. Marigondon Sur at Bgy. Marigondon Norte sa bayan ng San Andres; Bgy. Magsaysay, Bgy. Danao Norte, Bgy. Danao Sur, Bgy. Guinbirayan at Bgy. Guintigbasan sa bayan ng Santa Fe at lahat ng barangay sa bayan ng Ferrol.

Ang power interruption ay ipaiiral simula 8:30 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes at 8:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali tuwing araw ng Sabado.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s