Tagalog news: Cacao Industry Business and Technology Forum, pangungunahan ng DTI

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Peb 19 (PIA) – Magaganap ngayon ang Cacao Industry Business Technology Forum (CIBTF), na isinasagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Sikatuna Beach Hotel.

Layuning ng pagtitipon na hikayatin ang mga magtatanim ng puno sa lalawigan na subukan ito dahil malaki ang pangangailangan sa nasabing produkto sa kasalukuyan.

Ang produksyon ng cacao sa ating bansa ay umaabot lamang sa 10,000 metriko tonelada kumpara sa 50, 000 metriko toneladang konsumo nito.

Ayon kay DTI Regional Director Joel Valera, ang cacao sa ating bansa ay mas maganda ang kalidad base sa isang syentipikong pagaaral. Isa umano ito sa dahilan kung kaya’t minabuti ng DTI at ng Department of Agricuture (DA) na magsama para sa promosyon ng cacao sa Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) na sa kasalukuyan ay isa ng malaganap na industriya sa Mindanao.

Dagdag pa ni direktor Valera, may teknolohiya na ang mga nagtatanim ng cacao sa Mindanao na kayang umani ng nasabing produkto sa loob lamang ng tatlong taon. Isa sa magandang katangian ng cacao na dapat malaman ng mga magtatanim nito sa lalawigan. Dagdag pa ni Valera, hihimukin niya ang pamahalaang panlalawigan na magtayo ng nursery ng cacao bilang tulong sa mga papasok sa negosyong ito.

Sa paparating na CIBTF ay dadalo bilang tagapagsalita ang mga may kasanayan sa pagtatanim ng cacao mula sa Mindanao, exporter ng nasabing produkto at ang Small Business Corporation (SBC) na isang financing institution (nagpapahiram ng pera) ng DTI.

Samantala ang SBC ay magdadala ng walong kawani upang makapagsagawa ng one-on-one consultation sa mga interesadong humiram ng pera para sa kanilang negosyo. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s