Tagalog news: Inirereklamong babuyan sa brgy 3, San Jose, binisita ng MHOSD

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Peb 18 (PIA)– Nagsagawa ng inspeksyon ang San Jose Municipal Health Office Sanitary Division (MHOSD) sa isang babuyan (piggery) sa barangay 3 ng bayan ng San Jose bunsod sa reklamo ng mga residente dito.

Ayon sa MHOSD, agad silang umaksyon dahil sa posibleng mga epekto ng dumi ng baboy. Ipinaliwanag ni Joseph Ruguyal, Municipal Health Office (MHO) nurse, na ang masangsang na amoy mula sa dumi ay nakakapagdulot ng pagkayamot, nagpapawala ng gana sa pagkain at nakakaapekto sa mga may hika. Ang gas naman nito ay may methane na itinuturing masama sa kalusugan ng tao. Maaari din itong maging sanhi ng pagsusuka, pagtatae at dehydration kapag ang isang langaw ay dumapo sa dumi ng baboy at lumipat sa pagkain ng tao.

Sa inspeksyon na isinagawa ng MHOSD ay napagalaman nito na napabayaan ng may-ari ng babuyan ang kalinisan ng kural o kulungan ng baboy. Dahil dito ay agad inutusan ng MHOSD ang paglilipat ng kural o kaya naman ay ang pagpapatigil ng operasyon ng babuyan sa naturang lugar. Subalit nakiusap ang may-ari ng babuyan at humingi ng palugit dahil sa malapit na umanong manganak ang inahing baboy. Lubhang maselan ang kalagayan nito at ang paglilipat ay maaring maging dahilan ng pagkamatay ng mga isisilang na biik. Ipinangako naman ng may-ari na magsasagawa ito ng karampatang paglilinis sa kulungan at lalagyan ng apog ang dumi ng baboy upang mabawasan ang mabahong amoy. (VND/ PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s