Tagalog news: Pagsikip ng trapiko sa Puerto Princesa hinahanapan na ng solusyon

PUERTO PRINCESA, Palawan, Peb. 15 (PIA) — Naghahanap na ngayon ng solusyon ang City Traffic Management Office (CTMO) upang mapaluwag at mapaganda ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa lungsod.

Ito ang ipinabatid ni Jonathan Maggay, Program Manager ng CTMO at dating PSSupt. David Martinez na siyang ring humahawak ng mga programang pangkaayusan at pangkatahimikan ng lungsod sa pagpupulong ng City Peace and Order Council kamakailan.

Ayon sa dalawang pinuno, isa sa mga dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lungsod ay ang pagdami ng mga nabibiling sasakyan sa mababang halaga. Mula umano ng magkaroon ng mga car show room sa lungsod ay mas mabilis na nakabibili ng mga sasakyan ang mga tao dito.

Inihayag pa ni Maggay na sa kanilang pagmomonitor ay umaabot na sa 1,600 units ng mga sasakyang may apat na gulong ang nadagdag sa mga lansangan ng lungsod sa loob lamang ng dalawang taon, maliban pa dito ang mga motorsiklo na nabibili rin sa mababang halaga.

Isa rin umanong dahilan ng pagsisikip ng trapiko ang patuloy na pagsasagawa ng road widening at drainage system projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga pangunahing lansangang ng lungsod.

Dagdag pa umano ditto ang paghihimpil o pagpapark ng mga sasakyan sa kung saan-sang tabi ng kalsada lamang na nagpapahirap din sa daloy ng trapiko.

Dahil dito, plano ngayon ng CTMO na magtalaga ng mga parking area na may kauukulang renta para hindi na kung saan-saan na lamang maghimpil ng kanilang mga sasakyan ang mga may-ari nito.

Patuloy din ang pagsasagawa ng CTMO ng mga pag-aaral at dry run kaugnay ng mga one way traffic sa ilang lansangan sa lungsod na madalas nagkakaroon ng pagbubuhol-buhol ng trapiko tuwing umaga sa oras ng pasukan ng mga estudyante at mga nag-oopisina gayundin sa hapon sa oras naman ng uwian.

Ayon naman kay Martinez, plano rin nila na bumili ng towing truck upang magamit sa paghihila ng mga sasakyan na mahuhuling nakahimpil sa mga lugar na hindi itinalagang parking area. Ngunit isa pa sa problemang nabanggit ni Martinez ay ang kakulangan ng impounding area na paglalagakan ng mga mahuhuling sasakyan.

Ang lahat ng ito aniya ay pinag-aaralan ng kanilang tanggapan ayon kay Magay at Martinez. Kung sakali aniya na matapos na ang mga pagaaral na ito ay kanila namang ipi-presenta sa sangguniang panglungsod upang ma-aprubahan at maipatupad sa lungsod. (OCJ/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s