Tagalog news: Bagong tanggapan ng BIR, itatayo sa Bgy Tawiran, Calapan

CALAPAN, Oriental Mindoro, Peb. 15 (PIA) – Dahil ang lungsod ng Calapan ay sentro ng komersyo at pamahalaan sa rehiyong Mimaropa, isang groundbreaking ceremony ang isinagawa dito kamakailan para sa itatayong tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Brgy. Tawiran sa lungsod.

Ang pagkakaroon ng sariling lote at tanggapan ng BIR ay naisakatuparan dahil sa pagkakaloob ng mag-asawang Villamor ng 1,000 metro kwadradong lupa sa nasabing barangay na tatayuan ng gusaling may apat na palapag na binubuo ng limang seksyon: ang administrative, collection, assessment, client support at compliance section.

Kasama ni Mayor Arnan C. Panaligan sa naturang aktibidad ang bagong hirang na Revenue District Officer na si Esperanza G. Castro at mga opisyales at kawani ng BIR-RDO No. 63 na sina San Pablo City Regional Director Atty. Gerardo R. Florendo, Assistant Director Baby Nacar, Financial Service Assistant Commissioner Zenaida B. Chang at Assistant Commissioner Gealdina Reyes.

Laking pasasalamat ang ipinaabot ni RDO Castro kay Mayor Panaligan pagkatapos nitong ayusin ang kalsada patungo sa kanilang tanggapan. Sinabi ni Castro na inaasahan nilang makakalipat sila sa bagong tanggapan sa huling linggo ng Setyembre ngayong taon. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s