Tagalog news: Oplan Katok, nakakumpiska ng 141 hindi lisensyadong baril sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Peb. 12 (PIA) — Umabot sa 141 piraso ng iba’t-ibang uri ng baril ang nakumpiska ng Philippine National Police-Palawan Police Provincial Office (PNP-PPPO) sa kanilang isinagawang Oplan Katok nito lamang buwan ng Enero.

Sa bilang na 141, pinakamarami dito ang nagmula sa bayan ng Coron na umabot sa 80 piraso ng iba’t-ibang uri ng baril, sinundan ng Bayan ng Narra-14, Magsaysay-13, Bataraza-12, Aborlan-4, Balabac-3, Roxas-3, Brooke’s Point-2, Busuanga-2, El Nido-2, El Nido-2, Linapacan-2, Quezon-2, Araceli-1, at Dumaran-1.

Ang Oplan Katok ay isang programa ng kapulisan sa buong bansa na humihikayat sa mga nagmamay-ari ng mga baril na hindi rehistrado na isuko ang mga ito sa otoridad upang hindi magamit sa karahasan ngayong panahon ng halalan.

Ang nasabing mga sandata ay ipinakita sa mga mamamahayag ng Palawan at lungsod ng Puerto Princesa sa isinagawang press conference kamakailan sa PNP-PPPO kaugnay ng ipinatutupad ng kapulisan na SAFE 2016 (Secure And Safe Election).

Hinayag din ni PD Acorda na tinatayang nasa 4,000 ang mga indibiduwal na nagmamay-ari ng mga baril na lisensyado sa buong lalawigan. Nanawagan naman ito sa lahat ng mga nagtatago pa ng mga baril na hindi lisensyado na mabuti pang isuko na lamang ang mga ito sa otoridad upang hindi na maharap pa sa kaso.

Samantala, mula ng ipatupad ang gun ban at paglalagay ng mga check point sa buong lalawigan noong Enero 10 hanggang sa kasalukuyan ay nakapagtala na ang PNP-PPPO ng walong paglabag dito at ang mga ito ay nasampahan na ng kaso sa korte.

Ayon kay PD Acorda, Jr. kahit may mga naitala ng paglabag sa gun ban sa lalawigan ay maituturing pa ring Law Abiding Citizen ang mga mamamayan ng Palawan dahil sa mababang bilang na ito.

Isa naman ang naitala ng City PNP sa paglabag sa gun ban. (OCJ/LBR/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s