Tagalog News: 5 bagong jail officer, kailangan ng BJMP Mimaropa

ODIONGAN, Romblon, Peb 12 (PIA) — Ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay naghahanap ng limang Jail Officer I upang mapunan ang kakulangan sa kanilang manpower sa rehiyon ng Mimaropa.

Ayon kay J/Insp. Jorge Allan D’May Soriano, Warden, BJMP Romblon Provincial Office, ito ay bukas sa lahat ng Filipino na may edad 21 hanggang 30 taong gulang na tapos ng kolehiyo; may civil service eligibility; may malusog na pangangatawan at maayos na pag-iisip; hindi pa nahatulan sa anumang krimen, hindi rin dapat itiniwalag o inalis sa katungkulan sa gobyerno bunga ng katiwalian at may taas na 1.62 metro (5’4”) para sa mga lalake at 1.57 metro (5’2”) para sa babae.

Ang mga interesado at kwalipikado ay inaabisuhang magsumite ng dalawang folder na may duly accomplished Personal Data Sheet, Photocopy of Transcript of Records, Diploma, Philippine Statistics Authority-issued Birth Certificate, Certificate of Eligibility o Board Rating, mga Valid Clearances (i.e. NBI, RTC, MTC, PNP, Barangay & Prosecutor’s Office), Valid Community Tax Certificate, Certificate of Previous & Present Employment, Certificate of Seminars/Trainings Completed at Marriage Certificate (if married) sa BJMP Provincial Office sa Bgy. Progreso Este, Odiongan, Romblon hanggang ika-15 ng Marso, 2016.

Sa Region IV-B Mimaropa ay mayroong available na apat na slot para sa mga lalake at isa para sa babae. (DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s