Tagalog news: Pangkabuhayan assistance, ipinagkaloob sa Calapan City Women’s Group

CALAPAN, Oriental Mindoro, Peb. 9 (PIA) – Ipinagkaloob kamakailan ng pamahalaang lungsod sa Calapan City Women’s Group (CCWG) ng 55 barangay sa lungsod ang Womentrepeneur Pangkabuhayan Assistance na nagkakahalaga ng tig-P10,000 kasabay ng isinagawang Raffle Draw at Bingo Bonanza sa Salong Covered Court noong huling linggo ng nakaraang buwan.

Ang financial assistance na halagang sampung libo kada barangay ay pang ayuda sa kanilang kumikitang pangkabuhayan bagama’t maliit na halaga, subalit kung gagamitan ng tamang diskarte at mahusay na pamamahala ay mapapalago ito at makakadagdag sa kanilang puhunan.

Sa pamamagitan ng iba’t ibang training kagaya ng meat, chicken and fish processing, candy making, soap making na kinapapalooban ng dishwashing liquid, detergent soap, powdered soap, glass cleaner at iba pa, candle making, paggawa ng basahan at kung anu-ano pang proyektong pangkabuhayan ay nakita ni Mayor Arnan C. Panaligan ang pag-unlad ng sektor na ito, at sa katunayan ang ilan sa grupo ng mga ito ay nadagdagan pa ang proyekto kagaya ng babuyan at bigasan kaya naman kanyang minarapat na bigyan pa sila ng karagdagang ayuda.

Samantala, dahil hangad naman ng CCWG sa pamumuno ni Calapan City Women’s Coordinator Ma. Teresa Duka na makapagbigay ng tulong sa mga katandaan ay isang pa raffle ang isinagawa ng grupo kung saan ang kikitain dito ay ipagkakaloob sa Home for the Aged sa barangay Managpi. Isang programa na may temang “Thank You for the Love Calapeno”, Ticket Mo, Tulong Mo.

Ayon kay Duka, naging matagumpay ang kanilang proyekto dahil sa pagtutulungan ng mga kababaihan at sa katunayan ay ikalawang taon na nila itong ginagawa bilang pagtulong sa Home for the Aged.

Sinabi ni Duka na kaya 55 barangays na lamang ang nabigyan ay dahil nauna na ang pitong barangay sa District 10 sa lungsod noong magsagawa ng nakaraang Lingkod Barangay. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s