Tagalog news: Mga samahang pansibiko, umaalalay sa mga Mindoreño

CALAPAN, Oriental Mindoro, Peb 9 (PIA) – Aktibong umaalalay ngayon ang mga samahang pansibiko tulad ng Rotary Club of Lipa at Tzu Chi Foundation sa mga nasalanta ng bagyong Nona noong nakaraang taon.

Kamakailan lamang ay pormal na ipinagkaloob ng Rotary Club of Lipa, kasama ang Rotary Club of Calapan, ang tsekeng nagkakahalaga ng P1M sa Pamahalaang Panlalawigan bilang tulong sa mga lubhang naapektohang pamilya ng bagyong Nona sa lalawigan.

Tinanggap ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. mula kina Rotary Club of Lipa President Poly Macatangay at Rotary Club of Calapan President Joseph Isla ang naturang tseke.

Iprinisenta dito sa mga Rotarian ang isang video production/documentation na ginawa ng Communication and Public Relations Services Division (CPRSD) upang malaman o makita ang lawak ng napinsala ng bagyong Nona sa lalawigan at ang kalagayan ng mga naging biktima nito.

Ayon kay Gob. Umali, prayoridad sa pondong ibinigay ng mga Rotarian at iba pang Non-Government Organizations ay ang pagpapagawa ng bahay para sa mga pamilyang nawalan o nasira ang bahay ng nagdaang kalamidad.

Samantala, nakatanggap naman ang mga apektadong pamilya mula sa Taiwanese organization na Tzu Chi Foundation, ng tig-20 kilo ng bigas, mga kumot at tig-P3,000 cash bawat pamilya sa mga barangay ng Wawa, Cacawan at Papandayan sa bayan ng Pinamalayan, gayundin sa may daang pamilyang nawalan ng bahay at halos mabura na sa mapang barangay ng Bayanan sa bayan ng Baco.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin sa paggawa ng paraan ang mga lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga apektadong mamamayan sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s