Tagalog news: Kampanya hinggil sa tamang pagtatapon ng basura sa Calapan, mas pinaigting

CALAPAN, Oriental Mindoro, Peb. 5 (PIA) – Upang mapanatili ang kalinisan sa lungsod, mas pinaigting ng pamahalaang lokal dito ang kampanya hinggil sa tamang pagtatapon ng basura.

Apat na natatanging garbage bins o basurahan para sa paglalagyan ng recyclable o reusable na mga basura ang ikinalat sa mga natatanging lugar sa lungsod bilang bahagi ng pagsasabuhay na malawakang Solid Waste Management Program o SWMP.

Ang programa, na pinangasiwaan ng City Environment and Natural Resources Department na pinamumunuan ni Wilfredo Landicho, ay isinagawa din sa mga eskwelahan sa lungsod sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga naturang basurahan upang mahikayat ang mga mag-aaral na alagaan ang Inang Kalikasan.

Unang isinagawa ang distribusyon sa Adriatico Memorial Elementary School na kung saan mainit na sinalubong ang mga taga-city hall ng mga mag-aaral, guro at mga opisyal ng school sa pangunguna ng kanilang principal na si Alona B. Abes at School District Supervisor James Zamora.

Naging katuwang ng City Government ang Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) sa pagpapalaganap ng mga impormasyon kaugnay ng nasabing programa ng pagkakaroon ng basurahan para sa botelyang plastic, e-gadget o electronic wastes, lalagyang lata at dyaryo.

Samantala, pinuri ni Mayor Arnan C. Panaligan ang Oriental Mindoro National High School (OMNHS) na pinamumunuan ni Dr. Nimrod Bantigue dahil sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang paaralan sa pamamagitan ng pagtatatag ng pro-environmental clubs.

Kasabay ng pagbibigay ng natatanging garbage bins, pinarangalan naman ang mga estudyante at guro na nanguna at nagpamalas ng maganda at kakaibang pagtugon sa pagpapatupad ng nasabing programa. (LTC/LBR/PIA4B/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s