Tagalog news: 27 pamilya nabenepisyuhan ng relocation program ng LGU Calapan

CALAPAN, Oriental Mindoro, Peb. 5 (PIA) – Nasa 27 ang bilang ng pamilya mula samga barangay ng Camilmil at San Vicente North ang magkakaroon na ng kanilang sariling lote at bahay sa ilalim ng programang pabahay ng pamahalaang lungsod ng Calapan.

Ang mga pamilya ay ililipat mula sa dalawang nabanggit na barangay sa isang relocation area sa Barangay Balite na kung saan kamakailan ay nagkaroon ng groundbreaking ceremony na dinaluhan ni Mayor Arnan C. Panaligan, Department of Social Welfare and Development (DSWD) SWAD Team Leader Miramelinda Leuterio, City Social Welfare Officer Juvy Bahia, City Councilor Gil Ramirez, at PAMANA Homeowners Association President SPO1 Ronald Rom at sinaksihan ng mga benepisyaryo ng nabanggit na programa.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Panaligan na nais lamang niyang tulungan ang mga mamamayan ng Calapan na nakatira sa tabing-ilog at mailipat sila sa disenteng tirahan sa limang ektaryang lupain na binili ng pamahalaang lungsod noon pang 2001.

Sa nabanggit na proyekto, bawat benepisyaryong pamilya ay magkakaroon ng tig-60 metro kwadradong lote na pagtatayuan ng kanilang bahay sa pamamagitan ng pondong P110,000 na ibinigay sa kanila ng pamahalaang lungsod at DSWD. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s