Tagalog news: Livelihood training, isinagawa para sa mga apektado ni ‘ Yolanda’ sa Busuanga

PUERTO PRINCESA, Palawan, Peb 3 (PIA) — Nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Mimaropa ng pagsasanay hinggil sa pag-aalaga at pagpapataba ng mga alimango sa Bayan ng Busuanga kamakailan.

Ang Skills Training on Mudcrab Fattening and Cuturing Project ay sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Project (SLP) ng nasabing ahensiya, kung saan ang mga benepisyaryo nito ay ang mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Yolanda.

Dinaluhan ito ng nasa 100 partisipante mula sa apat na barangay ng Busuanga – ito ay ang mga barangay ng Sto. Nino, Sagrada, Quezon at Old Busuanga.

Ang mga ginawang mudcrab pens ng mga benepisyaryo ng proyekto ay itinayo o inilatag sa mga mangrove area ng nasabing munisipyo sa pakikipagtulungan na rin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Naglaan ang DSWD ng halagang Php754,000 sa ilalim ng SLP Post Yolanda Recovery and Rehabilitation Program upang magbigay ng suportang pangkabuhayan sa mga komunidad na malubhang nasalanta ng Bagyong Yolanda at isa na dito ang Bayan ng Busuanga, islang bayan sa bahaging norte ng Palawan.

Ang SLP isang community-based capacity-building program na naglalayong mai-angat ang pamumuhay ng mga benepisyaryo nito sa pamamagitan ng Community-Driven Enterprise Development approach. (DSWD4B/OCJ-PIA4B Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s