Tagalog news: 1,000 sako ng binhi, ipinagkaloob sa mga magsasaka sa Calapan

CALAPAN, Oriental Mindoro, Peb.3 (PIA) – Bilang tulong sa sektor ng agrikultura, namahagi kamakailan ng humigit-kumulang sa 1,000 sako ng binhi sa mga magsasaka ang City Agricultural Services Division (CASD) ng lungsod.

Ang nasabing binhing ipinagkaloob ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan ng pamahalaang lokal sa Department of Agriculture (DA).

Ayon sa ulat ng CASD, tinatayang lampas sa 50 porsyento ng agricultural land sa lungsod ang nasalanta at nalubog sa baha nang magdaan ang bagyong Nona sa lalawigan. Sa kabuuan ay nagkaroon ng tinatayang nasa 500 magsasaka ang nabenepisyuhan ng pamamahagi ng nasabing binhi.

Kaugnay nito, dahil isa sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo ang Farmers Scientists Research and Extension Center (FSREC) sa Brgy. Biga, nagsama-sama ngayon ang mga kawani ng CASD at mga myembro ng Calapan Farmers Association (CALFA) sa pagsaayos sa FSREC upang buhayin at maipagpatuloy ang nasimulang organic farming sa lungsod. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/CAlapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s