Tagalog news: OrMin Realty Tax Promo, inilunsad

CALAPAN, Oriental Mindoro, Pebrero 1 (PIA) – Inilunsad dito kamakailan ng pamahalaang panlalawigan ang Oriental Mindoro Realty Tax Promo na may temang “Buwis na inyong Binayaran, Sambayanang Mindoreño ang Makikinabang”.

Ito ay isa sa mga pangunahing programa ng Provincial Treasurer’s Office (PTO) na pinamumunuan ni Provincial Treasurer Paz P. Fortunato na may layuning higit na mapalakas ang real property tax collection ng Oriental Mindoro.

Inaaasahan din na sa pamamagitan ng programa, mababawasan, kung hindi man tuluyang mawawala ang delinquent taxpayers sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro.

Sa panukalang programa, hinihikayat ang lahat ng real property owners at administrators na magbayad ng buwis ng mga ari-ariang matatagpuan sa Oriental Mindoro, maliban sa Lungsod ng Calapan, mula Enero 2 – Hunyo 30.

Ang bawat buwis na binayaran ay may kapalit na raffle ticket at maaaring manalo sa alinman sa dalawang kategorya: Category A, para sa mga may real tax payment na mula P7,500.00 pataas, ang mga mananalo ay maaaring makatanggap ng P30,000, P25,000 at P20,000, para sa 1st, 2nd at 3rd prizes, ayon sa pagkakasunud-sunod; at Category B naman para sa mga magbabayad ng mas mababa sa P7,500, may tsansang makapanalo ng premyong 6 cubic ft. refrigerator, 24″ LED Colored TV, washing machine with dryer, DVD with USB, MP3 at MP4, at two-burner gas stove, para sa 1st hanggang 5th prizes, ayon sa pagkakasunud-sunod.

Ang realty payments na updated hanggang sa 2nd quarter ng Calendar Year 2016, anuman ang halaga ay bibigyan ng isang raffle ticket na may tatak na “For Grand Draw” na may grand prize na Honda Wave Motorcycle.

Magkakaroon din ng P1,000 consolation prizes para sa 140 mapapalad na taxpayers na tig-10 mula sa bawat munisipyo na may payment stubs mula sa Provincial Treasury Office at mga munisipyo.

Ang prizes ay maaaring kuhanin sa PTO, Lungsod ng Calapan sa loob ng 60 araw pagkatanggap ng written notice at kinakailangang personal na kuhanin ng mismong mananalo, dala ang kanilang valid identification papers. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s