Tagalog news: Food Safety Training, isinagawa ng RHU

ROMBLON, Romblon, Pebrero 1 (PIA) — Ang Rural Health Unit (RHU) Romblon ay nagsagawa kamakailan ng Food Safety training para sa lahat ng food handlers at operators ng mga restaurant, canteen, carinderia at iba pang nagtitinda ng pagkain.

Ito ay ginanap kamakailan sa Girl Scout of the Philippines (GSP) Provincial Headquarters sa bayan ng Romblon, Romblon kung saan 136 katao ang nagtapos sa pagsasanay sa tamang paghawak ng pagkain, pakikitungo sa mga customer at tamang pag-aayos sa sarili.

Layunin ng pagsasanay na tiyaking malinis at ligtas kainin ang mga pagkaing inihahain ng mga ito sa kanilang mga parokyano.

Sinabi ni Noe Magdato, sanitary inspector ng RHU Romblon, na nagagalak sila sa dami ng lumahok at nakitang partisipasyon ng mga manininda sa isang araw na pagsasanay sapagkat malaki ang maitutulong nito sa kanilang paghahanapbuhay.

Lahat ng mga manininda ng pagkain ay dumaan sa pagsasanay na kinabibilangan ng food safety, good grooming, personality development, customer service, tourism at financial literacy o savings.

Ayon sa mga lumahok sa food safety training, malaki ang pasasalamat nila sa pamahalaang lokal ng Romblon dahil marami silang natutunang paraan sa pagtitinda ng malinis na pagkain at maging ang maayos na pakikiharap nila sa mga customer.

Lahat ng mga nagsipagtapos ay napagkalooban ng sertipiko ng pagsasanay (certificate of training) na magagamit nilang pruweba sa pagkuha ng business permit.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s