Tagalog news: DA nakahandang tumulong sa mga magsasaka ng OrMin

CALAPAN, Oriental Mindoro, Enero 29 (PIA) – Nakahandang tumulong ngayon ang tanggapan ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyong Nona noong nakaraang Disyembre 2015.

Ito ang ipinahayag ni DA Secretary Proceso Alcala nang huling bumisita sa lalawigan at pinulong ang iba’t ibang konsernadong ahensya at kinatawan ng pagsasaka sa Kapitolyo.

Bagama’t sinabi niyang hindi lahat ng pangangailangan sa nasirang mga pananim at iba pang kabuhayan ay kakayaning tugunan ng DA, sisikapin naman, aniya, sa abot ng kanilang makakaya na unti-unti ay makabangon ang mga apektadong magsasaka sa lalawigan.

Hinikayat din ni Alcala na kumuha ng crop insurance ang mga magsasaka partikular ang mga may taniman upang makaseguro at mabayaran ang mga nasirang pananim sa panahon ng kalamidad.

Samantala, para sa mga interesado, sinabi niyang maglalagay sila ng mga application form para sa crop insurance sa tanggapan ng Provincial Agriculture Office. Maari ring makipag-ugnayan ang mga magsasaka sa kanilang mga Municipal Agriculture Office hinggil ditto. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s